Tuesday, May 1, 2012

ano bang meron sa bundok??

"Anu bang nakukuha mo sa pinaggagawa mo, ha? nagpapagod ka lang"
OO nga ano, anu nga ba nakukuha ko?? Sakit ng katawan, gasgas, sugat,pasa,namumuong dugo sa mga binti, sprain,kagat ng hayop, kulang sa tulog, kulang sa kain.hhhmmmm ano pa nga ba?



Nagsimula ako sa bisyong ito noong 2008, on the back of my mind (dapat dati ko pa ginawa). Dahil ako ay boyish na engayo ako sumama sa isang kaibigan para sa isang FUN climb, wala akong ideya kung anu ang dadalhin ko, isusuot at maski kung anu gagawin, ang sabi lang sakin akyat ng bundok. All I know is we will walk into an unknown forest. And yes for that I am right.

Mabigat ang bag ko, mainit ang suot ko at madulas ang sapatos ko, pero tuloy padin lakad lang. Tagaktak ang pawis at ang dumi na ng damit sa alikabok. Habang naglalakad may biglang babagsak na gagamba mula sa puno o sasabit ang damit sa sangga. Matataas ang puno kaya may lilim kang aasahan. Pero pag dumating ang ulan san ka susukob? Ang malala pa nyan pag nabasa ang gamit mo sa loob ng bag.

Di hamak na mas kumportable sa bahay natin, may kama,electric fan, bubong at pagkain. Pero eto namumundok ako.Kung saan matutulog ka sa loob ng isang maliit na sleeping bag, sa loob ng tent na me maliit na ilaw o flashlight, may insekto lumilipad lipad. Pero andun padin ako. :)

Bakit nga ba? sa akin higit sa lahat ng pisikal na pagpapahirap kasama ang gutom at uhaw, isang malaking achievement sakin ang makakilala ng ibang tao,ang pag alalay at pag pupursige ng bawat isa para sa isa't isa na makarating sa tuktok,  natuto akong maniwala sa sarili kong kaya ko kahit ganu pa ito kahirap. At sa pagdating sa tuktok lahat ng pawis, pagod, ay unti-unting mawawala habang pinagmamasdan mo ang kagandahang nakahain sa iyong harapan.

Reaching the top of the mountain is an achievement both physically and mentally.There is no place you can get a view of the world so quiet below your feet,no wars, no pain, the feel of that cool breeze and the clouds within your reach relieves the scratches and bumps of the ascend. Most importantly the feeling of getting much closer to heaven and the stillness of the surrounding will give your mind off the stress, fatigue of the world below your feet. 

I started to climb 2008, and will continue doing so.

At the Summit of Mt. Pico de Loro 

No comments:

Post a Comment